MANILA, Philippines — Nalambat ng mga otoridad ang tatlong bigtime tulak na pawang nasa HVI at street level drug list ng mga otoridad sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘Shinedel’; ‘Floyd’, kapwa nasa high value list ng pulisya at alyas ‘Julius’, nasa street level drug listed, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, alas-8:00 ng gabi nang magkasa ng isang buy-bust ang operatives ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite PPO, RID Special Team (Intel Packet) at Dasmariñas Police laban sa tatlong suspek.
Narekober ang 4 na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng may mahigit sa 70 gramo ng shabu at aabot sa mahigit kumulang sa P500,000 at isang 1 unit ng Caliber 22 (North America) walang serial number, 2 bala nito at isang selpon na gamit sa transaksyon.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa illegal drugs at gun ban.