Alok na rekonsilasyon walang kondisyon


MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang kondisyon ang alok niyang rekonsilasyon sa kanyang mga kritiko.

“No, no, no, no, no, no. No. That’s not how reconciliation works. You don’t put conditions to reconcile,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Marcos na handa siyang makipagbati sa pamilya ni Vice President Sara Duterte.

“When you want – if you’re sincere, you want to reconcile, let’s sit in front of… Ano ba talaga ang problema? Paano nangyari ito? Tanggalin natin ang problema,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag pa niya, ang paglalatag ng ­kondisyon ay hindi rekonsilasyon kundi paglalatag ng demands.

Nang tanungin kung hanggang saan ang alok na rekonsilasyon, sagot ng Pangulo, “Put it this way. I don’t know. I don’t know what will come up. What’s needed.”

Matatandaang magkasamang kumandidato sina Pangulong Marcos at Duterte noong 2022 presidential elections subalit nagkalamat ito nang imbestigahan si Duterte sa paggastos sa kanyang confidential funds.

Lalo pang lumala ang relasyon ng dalawa nang arestuhin ng International Police ang ama ni Duterte na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ikulong sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity na kinakaharap sa International Criminal Court dahil sa madugong anti-drug war campaign.