Dominant ang panalo ni Pedro Taduran, ang Pinoy na IBF minimumweight (105 pounds) champion laban kay Ginjiro Shigeoka ng Japan nung Sabado.
Split decision kahit sabi ng iba, dapat unanimous decision.
May Pinoy at Hapon na judges at may isang puti. Panalo si Taduran sa unang dalawang judges at dun pa siya natalo sa Amerikano. Masyado siguro nasarapan sa sashimi.
Mabuti pa yung Japanese judge, kahit dun ginawa ang laban eh wagi si Taduran sa scorecard niya.
Anyway, ang importante eh nakalusot si Taduran. Si Shigeoka din ang tinalo niya last year para makuha and world title.
Dehins tumagal ng nine rounds si Shigeoka sa unang laban nila. At kahit natapos niya ngayon, alam mong hirap siya.
Halos himatayin ang Hapon after the fight at kailangan ilagay sa stretcher bago siya mahimasmasan.
Si Taduran naman, walang marka ang mukha. Parang gumamit ng Eskinol.
At dahil dyan, dalawa pa rin ang world champions natin ngayon. Si Taduran at si Melvin Jerusalem na hawak naman ang WBC title sa minimumweight.
Yes, same weight class sila kaya pareho nilang hinahabol si Oscar Collazo ng Puerto Rico na suot naman ang WBO at WBA belts.
As much as possible, dehins maglalaban si Taduran at Jerusalem.