Planting of evidence ng PNP, ibinasura ni Torre!


IBINASURA ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III ang kuwes­tiyonableng pamamaraan ng kapulisan sa pagpatupad ng trabaho at iginiit n’ya ang zero-tolerance sa mga miscon­duct o pagkasala nila.

“There will be no quotas on arrests. Planting of evidence is a grave offense — kapag ginawa nila ‘yun idi-dismiss ko sila sa service. Ipapakulong ko sila for incriminatory ma­chinations,” ang pagbabanta ni Torre. 

“Buhay ang taong huhuliin. Walang patay. We don’t condone wanton killings or wanton murders. Arrests must be carried out with utmost regard for human life — unless police lives are clearly endangered,” ang pagpaliwanag ni Torre. Sana­magan!

Ayon pa kay Torre, ang PNP ay makikipagtulungan sa Commission on Human Rights upang tugunan ang reklamo laban sa nagkasalang pulis, na isang senyales ng malakas na “institutional accountability.” Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Humarap si Torre sa Malacañang Press Corps kung saan ibinando niya ang bagong mukha o disiplinado, professional at service-oriented na PNP sa liderato niya. Isusulong niya ang reporma sa PNP operations, istriktong disiplina at ang walang sawang pagrespeto sa human rights.

Ibinida rin ni Torre ang detalyadong at malakasang deployment scheme o Quick Response Team ng PNP kung saan ang pangunahing layunin ay ang pagpalakas ng police visibility at pagpaunlad ng oras ng responde ng kapu­lisan vs kriminalidad at iba pang kaguluhan.

“Our goal is clear: to respond to 911 calls within five mi­nutes. And in the next three months, we will reduce that to three minutes,” ang pangako ni Torre. Dipugaaa! Sana hindi lang sa panaginip ito, ‘di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang lahat ng tagubiling trabaho ni Torre sa kanyang commanders ay kasalukuyang ipinasailalim na ng dalawang linggo na dry-run. Pagkatapos ng two weeks, magkakaroon muli ng command conference sa Camp Crame kung saan tatalakayin ang mga lapses na nakita o na-monitor para bibigyan ito ng lunas. Upang itaguyod ang operational discipline, nag-warning si Torre sa mga top police commanders na tatamaan sila ng kidlat kapag hindi makapagresponde sa krimen o kaguluhan sa loob ng limang minuto.

“If you can’t respond within five minutes, expect drills and retraining. Sasakit ang katawan nila,” Eh di wow! Anong sey n’yo mga kosa? Kaylufet mo naman Gen. Torre Sir? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Ipaiiral ni Torre ang performance-based na liderato sa lahat ng unit ng PNP upang makamtan ng organization ang kanilang mga agresibong plano.

“Ang pinakaayaw kong mangyari, ‘yung pulis na lousy at di nappy, (tapos) same salary. Commanders must ensure that their subordinates perform according to our standards,” ayon kay Torre.

Ang gusto ni Torre ang organisasyon ay dedikado sa trabahong public service, disiplina at accountability habang ipinangako n’ya sa publiko na ang PNP ay patungo sa pagbabago, “truly responsive at trustworthy sa kanyang liderato. Ganun na nga! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya ‘wag na kayong magtaka kung masyadong busy ang mga top commanders ng pulisya mga kosa dahil lahat sila gustong tugunan ang mga tagubilin ni Torre. Kasi nga kapag pumalpak sila, tiyak sa kangkungan ang bagsak nila. Abangan!