P1K monthly allowance sa estudyante, isinulong


MANILA, Philippines — Isinusulong sa Senado ang panukalang bigyan ng gobyerno ng buwanang P1,000 allowance ang mga estudyante.

Kung maging batas ang “National Student Allowsance Program (NSAP) Act” ni Sen. Loren Legarda, ibibigay ang allowance sa lahat ng naka-enroll na estudyanteng Pilipino na nakakuha ng minimum attendance requirements para pandagdag sa gastusin katulad ng pagkain, pamasahe at school supplies.

Ipapadala ang allowance sa pamamagitan ng student cards o digital vouchers na maaring gamitin sa mga accredited vendors tulad ng school canteen, transport providers at school supply retailers. 

Sinabi ni Legarda na ang nasabing ­mekanismo ay titiyak na ang allowance ay magagamit para sa edukasyon ng mag-aaral at mapataas ang school attendance at mapabuti ang kanilang academic performance.

“This is not ayuda or short-term relief. This ­program is grounded in the belief that investing in every Filipino student is investing in the nation’s present and future,” ani Legarda.

Nilinaw din ni Legarda na ang nasabing allowance ay para lamang sa mga “school-related expenses.”