Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang napakaganda at napakalaking farm na ang kanilang produkto ay mabibili sa iba’t ibang supermarket sa ating bansa.
Ang aking tinutukoy ay ang Green Garden Farm na makikita sa Purok 3, Alinap St., Balaybay, Castillejos, Zambales.
Ang Green Garden Farm ay isang Organic Farm Fresh na ang pangunahing produkto ay healthy fruits and vegetables.
Ayon kay Cathy Huang, General Manager at owner ng Green Garden Farm, passion nilang mag-asawa ang pagtatanim ng prutas at gulay kaya ito ang kanilang pinasok at napiling negosyo.
Aniya pa, nais nilang makatulong sa pagbibigay ng magandang kalusugan ng publiko kaya nag-produce sila ng organically grown na prutas at gulay na mabibili sa merkado.
Ang Green Garden ang isa sa pangunahing suplayer ng sariwang gulay at prutas sa SM Supermarket, Duty Free Shops at marami pang iba.
“Straight from the farm to your shopping cart, harvested with care, served with freshness,” ani Cathy.
Bukod sa Organic Farm Fresh ay nagpo-produce din ng certified seeds ang Green Garden Farm na isa sa ginagamit na pantanim ng Magsasakang Reporter.
Mayroong 12 malalaking green house ang green garden farm at may 60 empleyado na malaking tulong sa “anti-poverty” program ng gobyerno.
Marami ring agriculture student ang nag-o- on the job training (OJT) sa green garden farm.
Ayon sa mga empleyado ng Green Garden Farm, mabait at matulungin ang kanilang amo o boss (mag-asawang Huang) kaya pinagpapala ng Dakilang Lumikha ang kanilang negosyo.
Pahayag naman ni Cathy, hindi magiging succesful ang operation ng kanilang kumpanya kundi dahil sa kanilang masisipag at dedicated na empleyado.
Sa pagbisita ng team ng Masaganang Buhay sa Green Garden Farm ay mainit ang kanilang pagtanggap sa amin, hindi lamang si Ma’am Cathy kundi maging ang lahat ng empleyado.
Sa mga nagnanais bumili ng certified seeds at tumangkilik ng produkto nila na fresh na fresh ay i-follow at i-message lamang po ninyo sila sa kanilang FB page na GreenGardenFarm.
Ang Magsasakang Reporter, team ng Masaganang Buhay at ang Pilipino Star Ngayon (PSN) ay saludo pamunuan ng Green Garden Farm dahil sa kanilang abilidad, dedikasyon at intensiyon na mag-produce ng organically grown na prutas at gulay na mabibili ng publiko.
Ngayong Linggo, August 3, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at Farm tour Cathy Huang sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’ -ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achie-vers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.