Dear Dr. Love,
Ako po si Katrina, 17-anyos at dalaga pa.
Si Marty ay isang rider na nagde-deliver ng mga orders at sa trabaho niyang ito ko siya nakilala. Nagkakilala kami nang umorder ako ng pagkain sa isang fast food restaurant at siya ang nag-deliver nito.
Very charming siya at pogi nang ihatid niya ang pagkain inorder ko. Ang ganda ng kanyang ngiti na siyang type ko sa lalaki.
Nag-usap kami at inusisa ko na siya. Isa siyang working student at pangarap niyang maging civil engineer. Mula noon, madalas kaming nag-uusap sa text. Two weeks lang ang lumipas at nagkarelasyon kami.
Dr. Love, dati hindi ako naniniwala sa love at first sight. Ngayon, personal ko itong naranasan. I’m so sure about myself na in love ako kay Marty.
Nang malaman ng mga parents ko na sinagot ko siya, pinangaralan nila ako. Kahit ang mga kaibigan ko ay pinagsasabihan ako na kilalanin ko muna siyang mabuti.
Tama ba ang payo nila?
Katrina
Dear Katrina,
May sarili kang isip na dapat gamitin. Common sense ang tawag diyan. Batay sa right reasoning, dapat ay kilalanin mo muna siyang mabuti. Wika nga, mahirap na ang mapahamak.
Ang nararamdaman mo ay hindi love at first sight, kundi attraction at first sight lang. Normal iyan lalo na sa mga teenagers na gaya mo. Pero hindi nangangahulugan na porke’t normal ay tama na ang iyong ginagawa.
Kailangan mo pa rin ang paggabay ng iyong mga magulang dahil wala ka pa sa age of accountability. Ang boyfriend mo ay nasa tamang gulang na. Alam mo ba na kung may malalim na namagitan sa inyong dalawa, kahit pa nagpaubaya ka ay magi-ging liable siya sa statutory rape dahil ikaw ay isang minor de edad?
Manatili kayong magkaibigan. Sa pag-lipas pa ng panahon ay puwedeng magbago ang iyong nararamdaman at desisyon.
Dr. Love