Abril 22, 2026 | Pilipino Star Ngayon


TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan na ikatutuwa ng pamilya. Ang mga kaibigan o mga kamag-anak ay hindi maaasahan ng tulong ngayon. Simulan ang magsariling sikap. Lucky numbers at color for the day ang 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Sa hanap-buhay, negosyo at pag-ibig, masuwerte ka ngayon. Magiging magaan ang hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 39, 42 at garnet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ipagpaliban ang pagbabagong gagawin sa bahay, opisina o pinapasukan. Mag-ingat sa matatalas na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 34, 41 at blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May kaibigang handang magmalasakit kung kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 33, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Pangangailangan sa pera ang problema dahil sa gastusin. Anuman ang suliranin may katapat na solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Mag-ingat dahil may kahinaan ang katawan. Iwasan ang magbuhat ng ma-bibigat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 37 at peach.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Naghihintay ang magandang kapalaran kung kikilos kaagad. Huwag aksayahin ang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 33, 40, 44 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hindi inaasahang makakadalo sa isang pagtitipon. Makakakilala ng makapagpapatibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ang 13, 25, 34, 40 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 39 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung makikipagsapalaran, ngayon ang tamang panahon. Huwag sa sugal at tiyak talo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 32, 39 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang magkaibigan na damayan sa hirap at ginhawa ay tunay. Kilatisin ang pagpili ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 36 at tangerine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung may plano, tiyakin na magawa sa lalong madaling panahon. Huwag aksayahin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 25, 39 at light green.