Abril 5, 2026 | Pilipino Star Ngayon


ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makapag-isa para makapag-isip ng magandang ideya. Kumunsulta sa higit na nakakaalam. Malaking pagkakataon na makahanap ng paraan para madagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Unahin ang kapakanan. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-akalain. Isang dating insidente ang mauulit. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito na hindi na dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na magiging memorable. Lucky numbers at color for the day ang  8, 23, 28, 39 at gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, gawin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina ang ESP. Kung ano ang inisip, iwasan gawin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May pabuyang matatanggap. Kung may tensiyon sa trabaho, huwag magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Sa impluwensya ng panahon, walang magiging suliranin. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Para hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang schedules, repasuhin. Dahil makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iiral ang pagkatamad, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.