Agosto 33, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

August 31, 2025 | 12:00am

VIRGO (Aug.23 — Sept.23) — Magiging masaya ang susunod na mga araw pero nakakalungkot na ngayon ay may problema ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color of the day ang 13, 26, 32, 41 at yellow.

LIBRA (Sept.24 — Oct.23) — Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglalabanan hahantong sa kabalisaan. Lucky numbers at color of the day ang 5,18, 21, 37 at gray.

SCORPIO (Oct.24 — Nov.22) — Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Lucky numbers at color of the day ang 10, 21, 29, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nov.23 — Dec.21) — Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasarili. Pogi points. Lucky numbers at color of the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.

CAPRICORN (Dec.22 — Jan.19) — Sa bawat araw na nagdaraan, nakakaramdam ka ng pagkainip dahil parang walang nangyayari. Kalma lang. Lucky numbers at color of the day ang 12, 20, 33, 41 at pink.

AQUARIUS (Jan.20 — Feb.18) — Palipasin sa kabilang tenga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Gawin ang dapat. Lucky numbers at color of the day ang 4, 15, 28, 33 at white.

PISCES (Feb.19 — Mar.20) — Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay lalayo sa’yo. Lucky numbers at color of the day ang 9, 15, 29, 36 at blue.

ARIES (Mar.21 — Apr.19) — Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka. Lucky numbers at color of the day ang 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

TAURUS (Apr.20 — May 20) — Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang paraan para maiwasan ang samaan ng loob. Lucky numbers at color of the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

GEMINI (May 21 — Jun.21) — Mali ang akala ng lahat na ‘di mo dinaramdam ang sinasabi sa iyo. Huwag magkimkim ng sama ng loob. Lucky numbers at color of the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CANCER (Jun.22 — Jul.22) — Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan masusubok ito. Lucky numbers at color of the day ay 20, 27, 35, 42 at orange.

LEO (Jul.23 — Aug.22) — Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Pag-isipan ang kalalabasan. Lucky numbers at color of the day ay 5, 10, 26, 37 at lilac.