February 25, 2026 | 12:00am
PERO lumipas ang maghapon, hindi tumawag si Teresa kay Vince.
Naunawaan naman ni Vince ang sitwasyon. Siyempre, noon lang nagkasama sina Teresa at John kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon na matawagan siya. At isa pa, nag-iingat si Teresa na malaman ni John na magkasabwat sila. Siguro, tatawag si Teresa, makalipas ang ilang araw o baka pagkalipas ng isang linggo.
Siguro rin ay sasagarin ng dalawa ang mga oras dahil matagal silang hindi nagkasama ganundin ang kanilang anak.
Ang malaking katanungan ngayon kay Vince ay: paano na ang inuupahang bahay ni John? Paano na rin ang number 2 na si Marie?
Tuluyan na kayang iniwan ang number 2 na naging dahilan ng pagkakahiwalay ng mag-asawa?
Maaring tinalikuran na ni John si Marie. Tinapos na ang makasalanang relasyon. Nanaig ang tunay na legal.
Lumipas pa ang mga araw. Hindi pa rin bumabalik si John sa bahay na inuupahan. Hindi rin tumatawag si Teresa sa kanya. (Itutuloy)