Ang kapit bahay (45) | Pilipino Star Ngayon


“PINATAWAD naman­ ako ni Teresa. At alam mo Pare, dahil sa nangya­ring pagpapatawad sa akin ni Teresa ng araw na iyon, pakiramdam ko, lumu­wag ang dibdib ko.

Ganun pala kapag pinatawad ka ng babaing una mong minahal,” sabi ni John.

“Natutuwa ako sa mga nang­yari sa inyo, Pare. Sana ay tuparin mo ang pinangako kay Teresa. Huwag mong sa­yangin ang ibinigay niyang  pagkaka­taon.”

“Sumusumpa ako Pare na hindi na mauulit ang ginawa kong kamalian.

Tama na ang mga nagawa kong mali na ang nagdusa ay ang akinga asawa at anak.”

“Pinahanga mo ako Pareng John.”

“Alam mo Pareng Vince, napakasarap ng feeling na inihahatid at sinusundo sa eskuwelahan ang anak.”

“Damang-dama mo ang pagiging ama.”

“Oo. Noong isang araw, ako ang dumalo sa meeting­ ng parents at teachers. Hindi ko maipaliwanag ang nada­mang kasiyahan habang  kasama ko ang aking anak.”

“Nakikita ko nga ang kali­gayahan sa mukha mo, Pareng John.”

“Noong nakaraang linggo, nag-Hong Kong kami. Tu­wang-tuwa ang anak ko nang mamamasyal kami sa Disneyland. Sa susunod­ na buwan,

sa Japan naman kami pupunta.”

“Sige, mag-enjoy kayo. E teka, kailan masusundan ang pag-iinuman natin?”

“Iti-text kita. Dun tayo sa bahay para makilala mo si Teresa.”

“Sige Pareng John.”

Kinamayan nang mahigpit ni Vince si John.

Itutuloy