February 8, 2026 | 12:00am
UMAGA. Nakita ni Vince si John na pumapasok sa gate ng inuupahang bahay. Nag-iisa ito.
Bakit kaya hindi kasama si Marie? Baka hindi pa magaling? Baka grabe ang pagkakasakit?
Pagkakain ng almusal, nagtungo sa bakuran si Vince para magwalis ng mga laglag na dahon at magdilig ng halaman.
Pero sa totoo lang, ang talagang layunin niya ay makakuwentuhan si John. Tiyak na lalabas din ito ng bahay para magwalis at magdilig. At iyon ang hinihintay niya para makakuha ng bagong info kay John. Tiyak na maraming ikukuwento si John dahil matagal ding nawala.
Subalit lumipas na ang isang oras ay hindi pa lumalabas si John.
Natapos nang walisin ni Vince ang mga laglag na dahon at nadilig na ang mga halaman ay hindi lumabas ng bahay si John.
Mataas na ang sikat ng araw kaya pumasok na ng bahay si Vince.
Bakit kaya? Maysakit? O baka napuyat at kailangang matulog?
KINABUKASAN, maagang nagdilig ng halaman si Vince—wala pang 6:00 a.m.
Pero nagulat siya dahil naroon na at nagdidilig ng kanyang mga halaman si John.
Lumapit siya.
“Kumusta John?”
“Hindi mabuti Vince.”
(Itutuloy)