Bagong police station itatayo sa Magallanes, Cavite


CAVITE, Philippines — Isang ground breaking ang isinagawa para sa pagtatayuan ng bagong Municipal Police Station sa bayan ng Magallanes, Cavite kamakalawa.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Cavite Provincial Director Police Col. Dwight Alegre at Municipal Mayor Jasmin Angelli Maligaya Bautista.

Nakiisa rin sa nasabing programa sina Police Col. Melvin Napiloy, Deputy Regional Director for Administration, PRO Calabarzon; Jesus B. Antazo, Vice Mayor ng Magallanes; Police Major Raymond Balbuena, hepe ng Magallanes Municipl Police Station; Honorato Limboc, ABC President ng Magallanes at Engr. German Motar, Project Manager of GS Motar Construction.

“Pagbuo para sa Mas Ligtas na Bukas” ang naging tema sa nasabing programa.

Ito ay simula ng isang proyekto para sa mas magandang serbisyo sa seguridad at makapagbibigay ng mahusay at epektibong puwersa ng pulisya para sa komunidad.