Bangkay ng kelot na isinupot ang ulo, natagpuan


Cristina Timbang — Pilipino Star Ngayon

November 28, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa bakante at madamong lugar sa kahabaan ng Advincula Road, Riverpark North, Brgy Pasong Camachile 1, General Trias City, Cavite,kamakalawa ng umaga.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima nakasuot ng itim na t-shirt at itim na shorts,nakasupot ang ulo at nakagapos ang mga kamay.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa isang concern citizen hinggil sa pagkakatagpo sa biktima.

Sa salaysay ng concerned citizen sa pulisya, alas-10:22 ng umaga ay naglinis siya sa lupain ng Federal Land na kaniyang binabantayan nang makaamoy ito ng masansang mula sa madamong bahagi.

Agad umano nitong pinuntahan ang pinagmumulan ng nasabing amoy at dito bumulaga sa kanya ang halos naag­nas ng biktima.

Sa pagsisiysat ng pulisya,malaki ang posibilidad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lang itinapon sa lugar.