September 16, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kanselado na ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika sa susunod na linggo.
Si Pangulong Marcos ay dadalo sana sa 80th United Nations General Assembly (UNGA) na gaganapin sa New York sa Setyembre 22 hanggang 30.
Wala pang ibinigay na rason ang Palasyo sa hindi pagdalo ng Pangulo. Taong 2022 huling dumalo si Marcos sa UNGA assembly.
Sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na itinalaga ni Pangulo Marcos ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) para siyang kumatawan sa UNGA.
Matatandaan na may ikinakasang malawakang kilos protesta ang ibat ibang grupo sa Setyembre 21 para ihayag ang pagkadismaya sa anomalya sa flood control projects.
