November 19, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Ako po si Anwie. Ang problema ko po ay ang basketball at ang boyfriend ko na si Miko.
Halos dalawang taon na kami, pero nitong huli, mas prayoridad niya ang mag-practice at ang paglalaro ng basketball kaysa sa akin.
Paulit-ulit siyang nagka-cancel ng date namin dahil sa biglaang laro. Kapag magkasama kami, mabilis siyang magpaalam o titingin sa relo niya dahil baka ma-late siya sa game.
Pakiramdam ko, pangalawang option lang ako—na mas mahalaga ang bola kaysa sa relasyon namin.
Sinubukan ko siyang kausapin, pero ang sagot niya lang ay “Wala namang masama sa paglalaro.”
Hindi niya nakikita na ang isyu ay ang kawalan ng balanse at ang pagbabalewala niya sa mga pangako niya.
Dr. Love, sobra na ba akong nagiging demanding? Paano ko po siya kakausapin nang maayos para maintindihan niya na kailangan ko ng mas maraming atensyon at higit na halaga, o kailangan ko na bang isipin ang paghihiwalay?
Umaasa sa inyong payo,
Anwie
Dear Anwie,
Hindi ka sobrang demanding; hinihingi mo lang ang nararapat sa isang relasyon—ang balanse at halaga.
Ang unang hakbang ay ang maki-pag-usap nang mahinahon at gumamit ng “I statements” (Halimbawa, “Nalulungkot ako kapag ikinakansela mo ang usapan natin”).
Pagkatapos mong ilatag ang nararamdaman mo at mag-set ng malinaw na boundary (tulad ng pag-iiskedyul ng ‘Walang Bola’ na Araw ninyo), bigyan mo siya ng sapat na oras para magpakita ng pagbabago.
Tandaan mo, ang love ay tungkol sa pagsisikap na unahin ang isa’t isa.
Kung patuloy niyang pinipili ang hilig niya kaysa sa inyong relasyon, kailangan mo nang tanungin ang sarili mo: Gaano ka pa katagal magi-ging benchwarmer? Ang pagmamahal sa sarili ay nanga-ngailangan ng lakas ng loob na umalis sa isang sitwasyon kung saan hindi ka pinapahalagahan.
DR. LOVE