Bong Revilla, nakatanggap ng rockstar welcome sa Team Uswag proclamation rally sa Iloilo City


MANILA, Philippines — Masiglang rockstar welcome mula sa mga Ilonggo ang sumalubong sa charismatic lawmaker na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa proclamation rally ng Team Uswag sa Iloilo City noong Biyernes (Marso 28).

Pagpasok niya sa entablado, inakyat at sinugod ng fans si Revilla sabay yakap at halik.

Sa pag-endorso sa kandidatura ni Revilla, binigyang-diin ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kung paano hinahangaan at sinusuportahan ng mga Ilonggo ang lingkod-bayan. “Ang palangga sa tanan ginalagas, ginahakos, ginahalukan… si Bong Revilla! (Ang mahal nating lahat na hinabol, niyapos, hinalikan… si Bong Revilla),” ani Mayor Treñas sa pagpapakilala sa senador.

Ang kanyang presensya sa Team Uswag proclamation rally ay naging mas makabuluhan sa campaign kick-off dahil inendorso din niya ang kandidatura ng buong slate.

 Sa pangunguna ng mayoral aspirant na si Inday Raisa Treñas, anak ni incumbent Mayor Jerry Treñas, pinarangalan ng Team Uswag si Bong Revilla, na ang kanyang hindi natitinag na pangako sa serbisyo publiko ay nakakuha sa kanya ng tiwala at paghanga ng mga Ilonggo.

mNaroon din si Uswag Ilonggo Partylist Rep. James «Jojo» Ang, Jr., isang matalik na kaibigan at kaalyado ni Revilla, kasama si incumbent Vice Mayor at reelectionist Jeffrey Ganzon at ang mga kandidato ng city council ng team.

Libu-libong tagasuporta ang nagtipon para sa paglulunsad ng kampanya, na mas pinasigla ng presensya at pag-endorso ni Bong Revilla, na lubos namang pinasalamatan din ang mainit na suporta at pagtanggap sa kaniya. «Mga palangga, maraming-maraming salamat sa napakainit niyong pagtanggap! Ramdam na ramdam ko ang inyong pagmamahal!

 Maraming salamat sa Team Uswag, sa pangunguna ni Mayor Inday Raisa Treñas, Mayor Jerry Treñas, Congressman Jojo Ang, at sa inyong lahat sa inyong dedikasyon at tunay na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Sa inyo ako humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang aking paninindigan na maglingkod ng tapat at buong puso. Mga Ilonggo, tuloy-tuloy ang pag-uswag! Mahal ko kayo!» ani Bong Revilla.