October 31, 2025 | 12:00am
“’YAN ba talaga ang bahay ni Tandang Santo, Manang?’’ tanong ni Apol na hindi makapaniwala.
“Oo. Nasa loob ang kanyang pinaka-gamutan.”
“Ang nasa isip ko, kubo ang pupuntahan natin na nasa gitna ng palayan at niyugan.”
Nagtawa si Manang.
“Akala mo nasa liblib at malayo sa mga kabahayan.”
“Oo Manang. Hindi mo naman sinabi na nasa bayan at ang laki pala ng bahay ni Tandang Santo.”
“Nalimutan kong sabihin.”
“Ako rin, akala ko e yung karaniwang bahay kubo ang tirahan ni Tandang Santo,” sabi ni Guava. “E milyonaryo yata ang matandang yun dahil ang laki ng bahay.”
“Oo nga, Manang. Baka naman hindi yan ang bahay,” sabi ni Apol habang nakatingin sa bahay na puti.
“’Sure ako.’’
“Nakapasok ka na ba diyan?”
“Isang beses. Halina kayo. Baba na tayo para makapagkunsulta na kay Tandang Santo.”
Bumaba sila sa sasakyan.
May doorbell sa mataas na gate. Diniinan ni Manang.
Maya-maya may narinig silang nagbubukas ng gate. Isang babae na kasing-edad ni Manang ang sumungaw.
“Ano po ang kailangan ninyo?”
“Magpapagamot po kay Tandang Santo. Nariyan po ba siya?”
“Opo. Pasok po kayo.”
Pumasok sina Apol.
Lalong namangha sina Apol at Guava sa nakita sa loob ng bahay.
(Itutuloy)