Bubot na Bayabas (125) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

November 20, 2025 | 12:00am

“Hindi po kaya mayroong na­kabaon na ka­yamanan sa bakuran ko? Kasi po dati palang garrison­ ng mga Ja­pa­­nese no­ong­ World War II ang subdivision­ namin—baka may Ya­­ma­­­shita treasure,” sabi ni Apol na nakangiti.

Na­­pangiti rin si Tandang Santo sa mga sinabi ni Apol.

“O tatama po kami ni Guava sa lotto?” sabi ni Apol na nakangiti pa rin pero seryoso sa sinasabi.

“Hindi ko masasabi sa ngayon, Apol. Siguro masasagot ko ang mga tanong mo kapag nagpa­kasal na kayo ni Guava at nagsasama nang matiwasay. Pero sa ngayon, wala akong masasabi. Ipagpaumanhin ninyong dalawa.”

“Okey lang po Tandang Santo. Nagbabakasakali lang po,’’ sabi ni Apol.

Si Guava naman ang nagtanong sa matanda. Naitanong na niya ito nung una silang magtungo rito pero gusto niyang makasiguro.

“Tandang Santo, talaga po bang walang hatid na masama sa amin ang babaing napanaginipan ko at ang dalagita?”

“Wala. Gaya ng sinabi ko, sila ang magdadala sa inyo ng suwerte—hindi mali­limutang suwerte.”

“Kasi po, hindi mawala sa isip ko na baka ang mga nangyayari sa akin ay ka­ga­gawan ng kampon ng kadiliman. Baka po kung ano ang mangyari sa akin at kay Apol.”

“Walang mangyayari sa inyong dalawa,” sabi ni Tandang Santo.

“Salamat po. Matatahimik na talaga ako.”

“Basta ang masasabi ko, magiging maligaya ang pagsasama ninyo ni Apol. Habambuhay kayong ma­giging maligaya.”

Itutuloy