“SANDALI lang at bibili ako ng iinumin natin. Diyan lang sa tindahan sa kanto. Bibili na rin ako ng lechon manok. Dito ka lang Pareng Kit,” sabi ni Apol.
“Sige Pare. Ayaw mong papigil.”
“Basta magselebreyet na tayo ngayon. Baka kasi hindi ka na magpakita sa akin.”
Umalis si Apol at nagtungo na sa tindahan sa kanto. Bumili siya ng beer —labindalawa. Bumili rin ng corned beef. Igigisa niya ang corned beef para pulutan nila.
Pagbalik niya sa bahay ay namimitas ng bayabas si Kit.
“Mabuti at kinuha mo na ang mga bayabas, Pare—nalalaglag lang ang mga ‘yan.”
“Gustung-gusto ito ni Misis.”
“Halika na, Pareng Kit. Simulan na natin ang hapi-hapi.”
Marami silang napagkuwentuhan. Napuno ng tawanan ang bahay ni Apol.
“Mami-miss ko ang pag-iinuman natin, Pareng Kit.”
“Ako rin—lalo’t bawal ang alak sa Saudi.”
“Sana hindi ka na nag-Saudi, ha-ha-ha!”
ISANG linggo makaraang makaalis si Kit, hinahanap ni Apol ang pag-iinuman nila ng kaibigan.
Pero sa kabila nun, mas gusto niya ang ganito na nag-iisa. Gusto pa rin niya na makapag-ipon nang maraming pera bago mag-asawa. At wala siyang balak mag-abroad.
Itutuloy