Bubot na Bayabas (132) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

November 27, 2025 | 12:00am

“Hindi ako mapani­walain sa mga eng­kanto pero sa mga ikinuwento mo Guava, naniniwala na ako. Kakaiba ang nangyari sa iyo,’’ sabi ni Ginger.

“Maski si Apol, hindi siya naniniwala noong una Ate. Pero mula nang mag­pakita kay Apol ang dalagita na kamukha ko, na­­niwala na siya. At alam mo Ate, may sinabi ang albularyo sa Nagcarlan na susuwertehin kami ni Apol dahil sa mga ‘engkanto’. Hindi nga kami makapaniwala sa mga sinabi ng matandang albularyo.”

“Ano raw suwerte yun, Guava?”

“Hindi niya masabi Ate. Basta may suwerte raw darating sa amin ni Apol. Ang payo sa amin ng matanda, magpakasal na kami ni Apol.

Ang pagpapakasal din daw namin ang makapi­pigil sa mga ‘nakakukursunada’ sa aking engkanto. Kasi, talaga raw na ‘gustuhin’ ako ng mga engkanto.

Noong high school ako, naligaw ako habang pa­uwi sa bahay. Nakur­sunadahan daw ako ng tikbalang at iniligaw ng daan. Wala namang nangyari sa akin. Nang manumbalik ang wisyo ko dahil sa panliligaw ng tikbalang, naka­sandal na ako sa pader ng bahay namin.”

Marami pang ikinuwento si Guava kay Ginger.

Hanggang matapos ang kanilang pag-uusap. Tanggap na tanggap ni Ginger si Guava. Lalo raw naging­ excited sa nalalapit na kasal ng dalawa.

 

Isang araw, galing si Apol sa pakikipagkita kay Guava sa Makati. Nang dumaan siya sa tindahan ni Manang, tinawag siya nito.

Lumapit si Apol. Muk­hang may mahalagang sa­sabihin si Manang.

(Itutuloy)