December 13, 2025 | 12:00am
HALOS lahat ng sanga ng bayabas ay mayroong bunga. Ngayon lamang ito nangyari.
Tinawag ni Apol si Guava na noon ay nagluluto ng kanilang almusal.
“Halika, Guava tingnan mo ang puno ng bayabas!”
Pumanaog sila at nagtungo sa bakuran.
Hindi makapaniwala si Guava sa nakita.
“Ang daming bunga!”
“Nagtaka nga ako dahil kahapon, walang bunga ito.”
“Ibig sabihin sa buong magdamag ito nagkaroon ng bunga?”
“Oo.”
“At tingnan mo Apol, may mga manibalang na ang bayabas. Puwede nang kainin. Tiyak na malutong at matamis.”
“Kukuha ako Guava.”
“Sige Apol. Masarap isawsaw sa asin ang manibalang.”
Umakyat si Apol sa bayabas at pumitas ng mga manibalang. Nasa 20 manibalang na bayabas ang napitas niya.
Hinugasan ni Guava ang mga bayabas. At sarap na sarap kinain ang mga manibalang na bayabas. Isinawsaw niya sa asin.
Juicy at matamis ang mga bayabas. Maraming nakain si Guava.
KINAGABIHAN, himbing na himbing si Apol sa pagtulog nang biglang bumangon si Guava.
Nananaginip yata!
“Guava! Guava!”
Hindi sumagot si Guava.
Nakatingin lang kay Apol.
Kinabahan si Apol.
(Itutuloy)