Bubot na Bayabas (156) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 23, 2025 | 12:00am

SANDALING natigilan si Apol sa sinabi ni Guava. Naalimpungatan siya. Sumasakit daw ang tiyan ni Guava. Pero sa susunod na buwan pa ang due nito. Sabi ng doktora ni Guava, kapag daw may lumabas na fluid, ‘yun ang palatandaan na malapit nang manganak.

“Masakit na masakit ba?” tanong ni Apol.

“Gumuguhit ang hilab, Apol. Parang manganganak na nga yata ako.”

“Sabi ni Doktora next month pa ang due.”

“Pero sumasakit Apol.”

“Tawagan ko si Doktora, sandali lang Guava.”

“Bilisan mo, Apol.”

Tinawagan  ni Apol ang doktora.

Maya-maya.

“Dadal­hin na kita sa ospital.”

Inihanda ni Apol ang sasakyan. 

Nang makarating sa ospital agad isinailalim sa pagsusuri si Guava.

Makaraan ang isang oras, sinabi ng doktora na isasailalim sa Ceasarian operation si Guava.

Naging maayos ang panganganak ni Guava.

 

KINABUKASAN, masayang pinanood ni Apol ang kambal sa nursery. Hindi maipaliwanag ang nadama niyang kasiyahan.

Nagpasalamat siya sa Diyos at naging maayos ang panganganak ni Guava.

(Itutuloy)