December 24, 2025 | 12:00am
HABANG pinanonood ni Apol ang bagong silang na kambal, hindi siya makapaniwala na “ama” na nga siya. Ganito pala ang nadarama ng isang ama—walang hanggang kaligayahan. Napakasarap ng pakiramdam kapag pinanonood ang dalawang sanggol. Totoo na talaga ito. Ama na nga siya ng dalawang sanggol na “hulog ng langit” sa kanila ni Guava. Wala na siyang mahihiling pa.
Maaaring ang suwerte nilang hinihintay ni Guava ay ang kambal.
Siguro kaya ayaw sabihin ni Tandang Santo kung ano ang suwerteng iyon ay dahil nga nasa sinapupunan pa. Hindi marahil ma-detect ng matanda. Ngayong sinilang na, ito na ang suwerte nila ni Guava.
Pakiramdam ni Apol, siya ang pinakamasayang ama sa mundo.
Sino kaya ang kamukha ng kambal?
Ngayon ay hindi pa niya alam. Halos magkakamukha ang mga sanggol. Pero pakiramdam ni Apol, kamukha niya ang lalaki at si Guava naman sa anak na babae.
KINABUKASAN, dinala na sa room ni Guava ang kambal. Halos maiyak si Guava nang makita ang kambal.
“Huwag kang umiyak,’’ sabi ni Apol.
“Naiiyak ako sa tuwa.”
Itutuloy