January 4, 2026 | 12:00am
Paano rin nakaakyat sa tuktok ng punong bayabas ang “misteryosang dalagita” noon?
Iyon ang tanong ni Apol sa sarili. Natatandaan niya, na nasa tuktok ang dalagita nang abutan niya noon.
At nang sigawan at pagalitan niya ay mabilis na nakababa. Balewala na nagpalipat-lipat sa mga sanga at walang anumang nakatalon sa lupa.
Ganundin kaya ang ginawang pag-akyat ng dalagita? Parang may sa unggoy sa ginawang pag-akyat?
Sabagay, maliliksi ang mga kabataan ngayon. Balewala ang pag-akyat at paglipat-lipat sa mga sanga.
Pero ang nakahahanga talaga ay ang kanyang kambal na sina Doro at Thea. Masyadong bata pa ang mga ito pero pinaglaruan lamang ang pag-akyat at pagbaba sa bayabas.
Hindi makapaniwala si Apol.
Pero dapat matyagan niya ang kambal at baka mahulog ang mga ito sa puno. Hindi niya dapat hiwalayan ng tingin. Nasa stage na sobrang likot ng dalawa.
(Itutuloy)