Bubot na Bayabas (22) | Pilipino Star Ngayon


“Sigurado ka Manang na wala kang nakikitang dalagita na nagagawi rito sa kalye natin,’’ tanong ni Apol.

“Wala Apol. Bakit?”

“Kasi po, mayroon akong nahuling dalagita na kumu­kuha ng bayabas sa bakuran ko. Gusto ko lang makatiyak kung tagarito sa atin ang dalagita o tagalabas.”

“Kilala ko lahat ang mga kabataang lalaki at babae rito, Apol. At kung tagarito man, hindi sila magtatangkang kumuha ng bayabas nang walang paalam.”

“Siguro po hindi taga­rito ang dalagita, Manang.”

“Siguro nga. Pero wala talaga akong na­papansin na pumasok sa bakuran mo para kumuha ng bayabas.”

“Mayroon po kasing butas ang bakod ko at dun nagdaan ang dalagita.”

“Marami bang nakuhang bayabas?”

“Kaunti lang po. Narinig ko kasi ang kaluskos sa bakuran kaya nagmamadali akong lumabas at nahuli ko na nasa itaas ng puno.”

“Talagang marunong umakyat at sanay kumuha ng bayabas?”

“Opo.”

“Anong itsura?

“Maganda po.”

“Talagang wala akong nakitang dalagita, Apol.”

“Baka nga po taga-labas.”

Hindi kaya enkantada ‘yun?”

(Itutuloy)