Bubot na Bayabas (45) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

August 30, 2025 | 12:00am

NANATILING nakatitig si Apol sa picture ng dalagita na nasa cell phone. Parehas na parehas ang mukha nila ni Guava. Pa­reho ang labi, mga mata, kilay at ilong. Iisa talaga. Ganundin kahaba ang ma­itim na buhok.

Ang tanging pinagkaiba ng dalawa ay ang edad. Sa tantiya ni Apol ay 31 si Guava at ang dalagita ay 13.

Pero ang malaking katanungan ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawa.

Pero naisip ni Apol, may mga tao naman na tala­gang nagkakamukha. Pero sa kaso ni Guava at ng dalagita, para silang kambal—pinagbiyak na bunga sabi nga.

Habang tu­ma­tagal ay luma­lalim ang misteryo ng dalagita. At isa pang nakapagtataka, bakit hindi nakita ni Manang ang dalagita nang bumalik ito. Dead end ang kalye. Walang ibang daan kundi ang pabalik sa pinangga­lingan.

Nag-isip nang malalim si Apol.

Gusto na niyang paniwalaan ang sinabi ni Manang na “engkantada” ang dalagita. Kakahuyan daw ang aming lugar kaya maaring tahanan ng mga “engkantada”.

Pero hindi ako naniniwala.

ISANG Sabado, pinuntahan ni Apol si Guava sa Makati.

Ipinakita niya kay Guava ang picture ng dalagita na kamukha nito. Hindi makapaniwala si Guava.

“Kamukha ko nga siya!”

(Itutuloy)