BUBOT na BAYABAS (49) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 12:00am

HINDI na muling nakita sa subdibisyon nina Apol ang dalagita. Laging­ tinatanong ni Apol si Manang na may-ari ng sari-sari store. Hindi raw niya nakikita ang dalagita.

“Hindi ako umaalis dito sa tindahan, Apol kaya si­gurado ako na hindi nagdaraan ang dalagita.’’

“Ano sa palagay mo Manang, tagarito kaya ang dalagita o tagalabas?”

“Mahirap magsabi Apol. Pero kung babasehan ang suot niya, parang tagarito lang siya.”

“Kung tagarito, dapat ay marami ang nakakaki­lala sa kanya, Manang.”

“Oo.”

“Mas ma­ganda kaya Manang, magtanong ako sa homeowners association kung may naka­tirang dalagita rito—ipakikita ko ang pic sa kanila.

“Mabuti pa Apol. Baka may­roon silang nakikilalang dalagita.”

“Magbabahay-bahay ako Manang.”

“Talagang paglalaanan mo ng oras ang paghahanap sa dalagita.”

“Opo. Mayroon din po kasing gustong makita at makausap ang dalagita.”

“Ah ganun ba.”

NANG magtungo si Apol sa tirahan ni Guava para kumustahin, nagulat siya sapagkat may ini-offer ito sa kanya.

“Tutulungan kitang ha­napin ang dalagita, Apol.”

“Ah sige, salamat.”

Itutuloy