Bubot na Bayabas (85) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 10, 2025 | 12:00am

BUMANGON si Apol. Nakatulog pala siya sa sopa. Nang tingnan niya ang relo pasado ala-una ng madaling araw. Kailangang pa­­inumin niya ng gamot si Guava. Tuwing ikaapat na oras ang pag-inom ng gamot.

Kinuha niya ang gamot sa kuwarto. Kumuha ng tubig at dinala sa kuwarto.

Tulog si Guava.

Marahan niyang tinapik sa braso. Ma­i­nit ang braso nito. May lagnat pa rin.

“Guava! Uminom ka ng gamot.”

Kumilos si Guava.

“Eto ang gamot.”

Bu­mangon si Guava. Hirap na hirap.

Inalalayan ni Apol.

“Kumusta ang pakiram­dam mo?”

“Masakit pa rin ang ulo ko—pati katawan.”

“Ano gusto mo kainin? Aroskaldo okey sa iyo? Para mainitan ang sikmura mo.”

Tumango.

“Inumin mo muna itong gamot at pagkatapos mag­luluto ako ng aroskaldo.”

Ininom ni Guava ang gamot. Natulog uli ito pagkatapos.

Nagluto ng aroskaldo si Apol.

Habang hinihintay na maluto, problemado siya sa kalagayan ni Guava. Kapag hindi pa ito gumaling, dadal­hin na niya sa ospital o sa malapit na clinic. (Itutuloy)