BUBOT na BAYABAS (90) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 15, 2025 | 12:00am

HINALIKAN ni Guava si Apol.

Hindi nakakilos si Apol sa ginawa ni Guava.

“Salamat sa pag-aalaga mo sa akin, Apol. Napakabuti mo—walang kasingbuti!”

“Dapat ko lang gawin yun dahil maysakit ka a­wang-awa nga ako sa’yo.”

“Bukod sa napakabuti mo ay mapagkakatiwalaan pa. Alam mo Apol, bihira na ang katulad mo.”

“Marami pa naman si­guro, Guava.”

“Hindi! Para sa akin, nag-iisa ka na talaga!”

“E di sige, ha-ha-ha. Para hindi ka lang mabinat—nag-iisa nga lang ako, ha-ha-ha!”

“Ang suwerte ng mapa­pangasawa mo,” sabi ni Guava na deretsong na­ka­tingin sa kanya.

Hindi ma­ka­­tingin nang sabayan si Apol. May kahulugan ang tingin ni Guava. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Iniba ni Apol ang usapan.

“Bakit mo nga pala naisipan na magpalaga ng dahon ng bayabas, Guava?”

“Nanaginip kasi ako Apol.”

“Anong pana­ginip?”

“Isang babae ang nag­sabi sa akin na maglaga ng dahon ng bayabas at iyon ang inumin. Maraming beses lumitaw sa panaginip ko ang babae at ang sinasabi, maglaga ng dahon ng bayabas.”

“Sino ang babaing yun?”

“Ang babaing nagbigay sa akin ng tsinelas!”

Napatitig si Apol kay Guava. Bakit kaya lumitaw sa panaginip ang babae? Ngayon lang nagpakita uli pagkaraan nang maraming taon. Sa pagkakatanda ni Apol, ayon na rin kay Guava, 13-anyos ito nang huling makita ang babae.

“Ano pang sinabi ng babae, Guava?”

“Yun lang—maglaga ng dahon ng bayabas at inumin ang pinaglagaan.”

“At gumaling ka, Guava.”

“Oo nga Apol. Dahil sa payo ng babae, gumaling ako!”

Itutuloy