Bunsong kapatid ni Digong, yumao


DURIAN SHAKE — Edith Regalado — Pilipino Star Ngayon

February 9, 2026 | 12:00am

Pumanaw noong Sabado ang bunsong kapatid ni dating President Rodrigo Duterte na si Benjamin “Bong” Duterte sa edad na 62.

Pumanaw si Bong na hindi man lang nakapagpaalam nang maayos sa kapatid na si Digong.

Mula nang makulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands noong Marso 11, 2025 ay hindi na nagkita ang magkapatid.

Hanggang sa kasalukuyan, nakapiit pa rin si Digong sa ICC dahil sa mga kasong crime against humanity. Si Digong ay 80-anyos na.

Si Bong ay hindi mahilig sa spotlight. Tahimik siya. Naging silent supporter siya ng nakakatandang kapatid sa loob ng 40 taon.

Nakalulungkot na hindi man lang sila nagkita sa huling sandali. Paalam Bong.