Cavite isinailalim sa State of Calamity


Cristina Go Timbang — Pilipino Star Ngayon

August 14, 2026 | 12:00am

P10 milyong Quick Response Fund, inilaan

CAVITE – Opisyal ng isinailalim ang buong lalawigan ng Cavite sa State of Calamity matapos nagdulot nang malawalang pagbaha sanhi nang walang patid na pag ulan dala ng Habagat.

Pormal nang pinirmahan ng Sangguniang Panglungsod sa pa­ngunguna ni Vice Gov. Ram Revilla at mga mi­yembro nito ang paglalagay ng lalawigan sa State of Calamity.

Ayon sa Provibcial Disaster Tidk Reduction And Management Office ( PDRRMO), libu-libong pamilya at residente mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan ang mga inilikas.

Kasabay ng deklaras­yon, binuksan ang P10 milyon Quick Response Fund (QRF) upang agarang magamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang sina­lanta ng kalamidad.

Layunin nitong mapabilis ang pagbibigay ng tulong, relief, at recovery assistance sa mga lugar na matinding tinamaan ng kalamidad.