Dahil ipinagwal ang alak sa bahay nag-walk out ang anak


Dear Dr. Love,

Ako po ay 70 years old na at marami nang nararamdaman sa katawan. Sabi ng doktor ay sinisingil na ako ng aking katawan sa pag-iinom, paninigarilyo, at iba pang bisyo ko noong kalakasan ko. Pinatigil ko ang mga anak ko at ipinagbawal ko na ang alak sa bahay. Pero minasama ito ng panganay ko na nag-walk out at hindi na ako dinalaw nung Pasko, Bagong Taon at hanggang ngayon. Kung maibabalik ko lang sana na naging mabuti akong tatay. Pero hindi pa huli ang lahat ‘di ba?

Tatay Karding 

Dear Tatay Karding,

Tama ka, hindi pa huli ang lahat. Ang mahalaga ay nakikita mo ngayon ang halaga ng pagbabago at ng pagiging mabuting ama. Natural lang na masaktan ka sa reaksyon ng anak mo, pero tandaan mo—minsan ang mga anak ay nagtatampo hindi dahil sa galit, kundi dahil nahirapan silang tanggapin ang biglang pagbabago. Ang paglayo niya noong Pasko at Bagong Taon ay hindi nangangahulugang wala na siyang pagmamahal sa iyo. Maaaring kailangan lang niya ng oras para maghilom ang damdamin. Isang simpleng mensahe ng paghingi ng tawad at pagpapahayag ng pagmamahal ay maaaring maging simula ng pagkakaayos. Ang sabi nga ng mga nakakatanda, kung nakanino ang pang-unawa, nasa kanya rin ang susi ng pagkakaayos at pagkakaunawaan. Ipanalangin mo ang iyong anak na hipunin ng Maykapal ang kanyang puso at maunawaan na udyok ng pagmamahal ang pagbabawal mo ng alak. Dahil matindi ang hangarin mo na huwag nilang sapitin ang nararanasan mo ngayon sa iyong sariling katawan, na bunga ng kawalang bahala noong kabataan mo. Kasama mo ako sa panalangin na maging maayos ang lahat sa pagitan ninyo ng iyong anak. 

Dr. Love