Dalagang masahista ni-rape ng tsuper sa loob ng dyip! Cristina Go-Timbang)


Cristina Timbang — Pilipino Star Ngayon

February 23, 2026 | 12:00am

Matapos mag-book sa online ‘home service’

CAVITE, Philippines —  Nahaharap sa kasong rape ang isang 18-anyos na binata makaraan diumanong gahasain nito ang isang dalagang masahista sa loob ng jeepney nito, kamaka­lawa sa bayan ng Tanza, lalawigang ito.

Arestado ang suspek sa isinagawang follow up ng Tanza Police na kinilala sa alyas “Jun”, 18-anyos, jeepney driver.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-book umano ng “home service massage” sa online ang suspek para sa 23-ayos na biktima.

Nang magkita na ­dalawa, agad umanong tinutukan ng screw driver ang dalaga at dinala siya sa isang nakaparadang jeepney at dito na hinalay.

Hindi umano nakapanlaban ang biktima nang bantaan umano siyang papatayin ng suspek.

Naang matapos ang panghahalay, inihatid pa ng suspek sa isang grocery store ang biktima at dito iniwan. Agad namang nagsumbong ang biktima sa amo nito na agad nagtungo sa pulisya.

Sa follow-up operation ng Tanza Police, naaresto nila agad ang suspek sa bahay nito. Sa kabila ng reklamo, mariing itinanggi ng suspek ang bintang ng biktima. Ayon sa suspek, ang biktima pa umano ang nag-offer sa kanya ng “sex” kapalit ng bayad.

Sa biktima rin umano galing ang ginamit nilang condom at pineperahan lamang umano siya nito.

Nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong rape.