August 13, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.4 na lindol ang katubigang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental, kahapon ng alas-1:08 ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng pagyanig ay nasa layong 111 kilometro ng timog-silangan ng Sarangani Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental. Umaabot naman sa 155 kilometro ang lalim ng lindol na tectonic ang pinagmulan.
Bunsod nito, naitala ang instrumental Intensity 3 sa Malungon, Saranggani,
Intensity 2 — Don Marcelino, Davao Occidental; Kiamba, Alabel, Sarangani I; General Santos City, Tupi, South Cotabato at Intensity 1 sa Matanao, Magsaysay, Davao del Sur Maitum, Sarangani, T’Boli, Koronadal City, South Cotabato.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks na dulot ng naturang lindol.