Defense team ni Duterte naghahanda na sa ICC hearing


Ludy Bermudo — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdinig sa susunod na buwan sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Vice President Sara Duterte.

Muling haharap si Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber 1 para sa confirmation of charges hearing na sisimulan sa Setyembre 23 kaugnay sa kasong crimes against humanity.

“Naghahanda sila para sa confirmation of charges. Maaaring narinig niyo na, at ang ilan sa inyo ay maa­aring nagpaplanong pumunta sa The Hague sa Setyembre 23 para sa confirmation of charges. Tapos, naghahanda na rin ang mga abogado. pahayag ni VP Sara sa pakikipagpulong niya sa Filipino community sa Kuwait noong Agosto 15.

Bukod pa rito, may panibagong ipa-file na dokumento sa ICC na pinaghahandaan na rin ng defense team, na hindi na idinetalye ni VP Sara.

Sinabi niya rin sa speech na may nauna na silang inihaing apela kaugnay sa kinukwestyong hurisdiksyon ng ICC sa nais na interim release ng kaniyang ama.