Droga sa Ilocos, na-neutralize ni Gen. Reyes!


DIPUGA — Non Alquitran — Pilipino Star Ngayon

October 26, 2025 | 12:00am

FLASH report: Seryoso si PRO4-A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na ipasara ang “paihi” operations sa Cala­barzon area kaya’t iniutos n’ya ang pag-raid sa isang puwesto sa Laguna kung saan isang trabahador na si Rosauro Sinar, 70, ang inaresto.

Nakumpiska sa bodega ng “paihi” operation na mata­tagpuan sa Bgy. San Antonio 1, San Pablo City sa Laguna ang sampung container na naglalaman ng petroleum products.

Naging matagumpay ang pinaigting na kampanya ng mga tauhan ni PRO1 Director Brig. Gen. Dindo Reyes laban sa droga nang makaaresto sila ng 334 suspects at makumpiska ang P27.8-B halaga ng kontrabando. Mula Agosto 26 hang­gang Oktubre 15, may 25 na adik at pushers ang sumuko.

Nitong mga huling araw lang, sinunog ni Reyes ang nag­­kakahalagang P6.123 milyong marijuana na binaklas sa ka­bun­dukan ng Sugpon, Ilocos Sur at Santol, La Union. Itong tagum­pay ni Reyes ay bunga sa maagap na koordinasyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa PRO1 na umani ng papuri mula kay Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.

“Ang mga kahanga-hangang tagumpay ng PRO1 ay suma­salamin sa ating hangaring maibalik ang tiwala at kum­piyansa ng publiko sa ating serbisyo. Ipinapakita ng resulta na kapag ang disiplina at malasakit ay pinagsama, nagsisimula ang tunay na pagbabago,” ani Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Noong Setyembre 25, isang concerned citizen sa Paoay, Ilocos Norte ang boluntaryong nagsuko ng 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ?6.8 milyon. Isang PDEA-led buy-bust ope­ration sa Bugallon, Pangasinan noong Oktubre 2 ang nag­re­­sulta sa pag-aresto ng dalawang drug smugglers at naka­samsam ng 125 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ?850 milyon.

Ang kasunod na operasyon sa Labrador, Pangasinan ay nakatuklas pa ng 895 kilo ng shabu na may halagang ?6.086 bilyon. Dipugaaaaa! Sa kabuuan, nagdala ang pinag­sanib na operasyon ng PRO1 sa 336 drug personalities at ?6.97 bilyong halaga ng ilegal na droga, isa sa pinakamalaki at ma­kasaysayang tagumpay ng rehiyon laban sa droga. Sal-it! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Sa aspeto ng anti-crime operations naman naaresto ang 465 wanted persons, kabilang ang 79 most wanted, na nagsisiguro ng mabilis na pananagutan at katarungan. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng komunidad, tatlong komunista at 29 mula sa Communist Front Organizations  ang sumuko.

Bukod dito, may pitong NPA members, tatlong CFO supporters, at dalawang Underground Mass Organization (UGMO) members ang tinalikuran ang suporta sa kilusan, na nag-aambag sa katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng mapayapang reintegration.

Bilang pagkilala sa natatanging serbisyo, nagpamudmod ang PRO1 ng 23,526 medalya at 11,676 letters of commendation sa karapat-dapat na mga opisyal at tauhan ng pulisya.

“Ang mga tagumpay na ito ay patunay na ang totoong serbisyo—na may transparency, accountability, at pakikipagtulungan sa mamamayan—ay pundasyon ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf T. Tuaño.

Sinabi ni Tuaño na ipinapakita ng PRO1 na sa kanilang mabilis, tapat at nararamdamang serbisyo, pinapatatag nila ang kapayapaan at kaayusan at tiwala ng publiko. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!