Enero 17, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 17, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago. Alam mo kung ano ang dapat baguhin. Kung sisimulan ngayon, tiyak nasa unahan ang tagum-pay sa gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 32 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa ng kasamaan, gagawin din sa iyo. Magkabago ka na. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 44 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kapakanan ng sarili bago ng iba ang da-pat. Hindi ka maaaring makatulong kung kapos ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 26, 40 at beige.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May mga matinong paraan kung papaano kikita nang hindi labag sa batas, kung pagsikapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 36, 45 at jade green. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magiging maligaya ang araw. Para maging masagana, patawarin ang mga taong nagkasala sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 42 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Kung magsisikap at magtitiyaga, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 28, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kahirapan ang dinaranas ng karamihan. Kung ikaw rin, huwag mawawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 39, 41 at dollar green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Makikita ang pagkakamali, kung ituwid, malaki ang pag-asa na landasin ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 17, 35 at pink. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag makalimot sa pinagmulan, para marating ang iyong patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 27, 33 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Makakamit mo ang hinahangad kung buo ang iyong loob. Hingin ang gabay ng Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 30, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Danasin ang hirap at paghihikahos kung makasarili. Baguhin para managana Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 16, 30 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Taimtim na panalangin ang kailangan upang makaiwas sa hindi magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 30, 39, 41 at white.