Enero 19, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 19, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May dahilan na maging malungkutin, hanapan ng paraan para sumigla. Malamang may oportunidad na darating. Pag-aralan ng mabuti bago magpasya. Tiyakin na nasa panig ang pabor. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 26, 34 at tangerine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Sa kagipitan, mailalantad ang likas na talino. May hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 27, 41 at mint green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya, na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 23, 40 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ang pagkapresko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali, bago mawalan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May mabubuong hinala ang minamahal o boss. Kung may itinatago, tiyakin na hindi matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 23, 28 at beige.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ng mga taong makulit. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung may alitan sa nakaraan tamang, panahon upang ayusin dahil magiging magaan ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ngayon sundin ang dikta ng isip at damdamin. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag mag-alinlangan na ipakita ang kanilang inaasahan, dahil dagdag na respeto ‘yan sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 26, 41 at red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung may tiyaga, may mapapala. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 8, 25, 39, 42 at dollar green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon ay lalong lalala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ano ang ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung makakasagupa ng masungit. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 34, 37 at baby pink.