January 20, 2026 | 12:00am
MAYA-MAYA, nagpaalam na si John.
“Sige Vince, may gagayatin pa akong gulay. Magluluto na si Marie ng chosuey, he-he!”
“Sige John, magkuwentuhan uli tayo sa susunod.”
“Oo Vince.”
Umalis na si John.
Pumasok naman si Vince sa bahay.
Nagluto siya ng kakainin sa lunch. Ginisang sardinas na may repolyo.
Habang kumakain, naalala ni Vince ang sinabi kanina ni John na maganda sa nilipatang subdibisyon dahil walang mga marites sa kalye.
Sabi pa ni John, “safe na safe” raw sila ni Marie.
Bakit kaya “safe na safe”?
Safe sa mga tsismosa?
May itinatago kaya ang mag-asawa?
Pero sa tingin naman ni Vince ay wala. Palabiro lamang siguro si John. Masarap kausap si John.
KINABUKASAN, nasa bintana si Vince nang makitang paalis si John. Hinalikan si Marie.
Papasok siguro sa trabaho si John.
Itutuloy