Enero 20, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 20, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magmadali. Posibleng makatanggap ng balita na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang husay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kahit masakit sa kalooban mapaglalabanan dahil sa kakapusan sa aspetong pinansiyal. Dagdgan ang sikap. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon. Libangin ang sarili sa pagsya-shopping o pagta-travel. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ito ng buong tatag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang gawain na hindi nagawa o napapansin noon ay may panahon na matapos ngayon. May udyok na mag-abroad. Lucky num-bers at color for the day ang 2, 8, 12, 27 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May gantimpalang naka-antabay sa kabutihang loob. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 28, 38 at dollar green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Ang pakikiisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging masuwerte sa anumang negosyo kung sisimulan ngayon. Tugma rin ang ma-ging  freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita. Maging makatuwiran sa pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng iyong ulo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.