Enero 21, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 21, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ang kaligayahan ng puso ay dulot ng pagiging mapagparaya. Alam ito ng iyong mahal. Kaya huwag kang mangamba. Darating ang tamang pagkakataon na ang mga inaasaam ay mapapasakamay mo . Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit sa minamahal ay lalo lang mawawalan ng tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue gray. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag hayaang maging katatawanan ng lahat.Ang pagiging kakaiba ay hindi dahilan para ma-ging sentro ng usap-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at off-white. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Maging maingat sa mga salita ng hindi mapahiya. Pero huwag damdamin, dahil makakabawi ka rin sa ibang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at old rose. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Problemado man, lilitaw ang tunay na mga kaibigan. Sapat na ito para maging matatag sa pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue. 

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang nangyari. Umaksiyon, huwag magkimkim ng sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35,42 at yellow orange. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging masaya ang susunod ang araw. Makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na importante sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at pale yellow. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Isiping mabuti ang gagawin. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang mga desisyon na padalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag mainis kung nagiging makulit ang nasa paligid. Dahil sadyang lapitin ka ngayon ng mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at oak brown. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hayaang maramdaman ng minamahal ang pagkamaalalahanin. Patunay ito na tapat ka sa iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at white. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ng pagkainip. Tamang panahon ngayon para sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at baby pink.