Enero 24, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 24, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magiging masaya ang bawat sandali sa piling ng iyong mahal. Posibleng hindi mamalayan ang oras na lilipas. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pag-iimikan. Ingatan ang kalusugan.Umiwas sa mga mamantikang pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 35, 42 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maipapaliwanag sa kasamahan ang iyong intensiyon. Sikapin lang na habaan ang pasensiya para sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 36, 44 at mint green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayari na hindi kanais-nais. Ok lang umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 39 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin sa kabila ng pagiging topakin mo. Baguhin ang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 27, 43 at tangerine.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Huwag mawalan ng pag-asa, kahit pa sa pakiwari ay walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 33, 40 at emerald green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin ang makakatulong sa halip na patangay sa kalungkutan niya. Lucky numbers at color for the day ang 16, 17, 32, 45 at beige.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Unahin ang dapat. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang depresyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 8, 22, 37 at maroon.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Piliting magpasensiya kahit pikon na pikon ka na. mangungulubt ka kung galit ang iiral sa sarili. Be happy. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 27, 39 at pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Sikapin kung ano ang magawang tulong sa problema ng kaibigan. Huwag itong ipagkait kung kaya naman. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 34 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung hindi kaya ng katawan. Pahinga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 23, 40 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Kung may suliranin, huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 35, 37 at light green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay hindi natapos. Humingi ng tulong kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 28, 43 at green.