Enero 8, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 8, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kusa mong makukuha ang iyong nais kung mananaig ang matuwid na hakbang sa puso. Upang manatili ang harmoniya sa relasyon, huwag magsinungaling. Maging sensitive sa feelings ng iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Hahamunin ka ng isang naiinggit na kasamahan sa trabaho. Huwag patulan. Sikapin na magpakahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang suwerte ay lumilipas at hindi nananatili sa isang tao lamang. Samantalahin ang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Idaan mo sa biro ang pakay kung nahihiya kang magtapat. Huwag masyadong seryoso sa usapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Love is lovelier the se-cond time around. Ito ang matatagpuan mo matapos ang matagal na paghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Tandaan na aanihin ang maling gawi, kaya piliin na gawin ang tama. Huwag kang makikiapi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Matutong magpatawad para magkaroon ng kapayapaan ng kalooban. Dahil may lahi ka-yong pikutin, mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Sa ugali mong madaling matukso, mabigat ang kapalit. Taglayin ang karunungan sa bawat pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging aral sa iyo ang kabiguan sa biglaang desisyon, na magkakaroon ng malaking epekto sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kunsultahin ang kalooban at puso, hindi ang pasya ng iba. Sige ka, ikaw rin ang mahihirapan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnilian.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maghintay ka ng tamang panahon sa balak na mag-abroad. Paghandaan ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag sayangin ang pagkakataon at tiwalang ibinigay sa iyo. Matutupad ang mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at emerald green.