Enero 9, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 9, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Busy pero masaya. Walang problema at magiging tahimik ang araw. Malamang may imbitasyon pero mas mananaig ang tumigil sa bahay kapiling ang mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 18, 38 at avocado green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) –  Kung may magyaya, tiyak hindi mapapahiya dahil hilig mo ang mamasyal. Mag-ingat lang at maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 28, 42 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Abo’t kamay ang hinahangad. Kung ang minamahal ay nasa malayo, huwag mabahala dahil mahal ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 39 at silver o gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Maaaring palagi kang busy sa trabaho pero dapat bigyang halaga at panahon ang mga minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 24, 34 at light pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may nagpapatibok ng iyong puso, walang masama kung kikilalanin muna ng husto ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 29, 45 at green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Kung ang balak ay umunlad, ngayon ang tamang panahon sa pagbabago ng ugaling tamad. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 28, 40 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung papansinin ang intriga, talo ka dahil hindi mo kayang pigilin ang iyong sarili na magsalita. Kontrolin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 14, 35, 37, 44 at blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Alam ng sarili kung ano ang kahinaan na dapat baguhin. Kung sisimulan ngayon, lalo kang susuwertehin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 23, 41, 42 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Masaya ang iyong araw at walang magiging problema. Pero magiging sensitibo ka sa mga sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 35, 39 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – May mga mahalagang bagay na dapat ayusin. Gawin ito dahil kung pababayaan, hindi na pakikinabangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 17, 33 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Nasa tamang direksyon ang kaunlaran, kaya ituloy ang sinimulan. Matutupad ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 34, 41 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung may hangad, simulan ang pagpaplano. Ikaw ang gumagawa ng iyong ikabubuhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 10, 32 at indigo.