Erwin Tulfo namamayagpag pa rin


MANILA, Philippines — Limang araw bago ang Halalan sa Mayo 12, patuloy na namamayagpag si Erwin Tulfo sa pagka-senador.

Batay sa pinakabagong Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na isinagawa mula Abril 20 hanggang 24, nakamit ni Tulfo ang 98% awareness at 52.7% voting ­preference, dahilan upang mailagay siya sa Rank 1-2. Mula pa noong 2024, tila hindi na natitinag si Tulfo sa tuktok ng listahan ng mga kandidato sa Senado.

Lamang din ng 10.4% si Tulfo sa voting preference kumpara sa kandidatong sumunod sa kanya.

Bukod kay Tulfo, humataw rin ang mga kasamahan niya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na pasok sa winning circle ng nasabing OCTA Survey—isang pagpapakita ng malakas na suporta sa senatoriables ng administrasyon.

Bunsod nito ay nagpapasalamat si Tulfo sa mga supporters na mula umpisa ay walang patid ang suporta sa kanya.

Ayon din kay Tulfo, sa kabila ng mataas na ranggo sa mga surveys, susulitin pa rin niya ang nalalabing araw para ma­ngampanya upang maibahagi ang kanyang mga plataporma.