FARA: Kawanggawa ng mga Pinoy sa Malaysia


Fara Philippines ang pangalan ng kawanggawang organisasyong ito ng mga Pilipinong migrante at residente sa Malaysia na tumutulong sa mga nagigipit na Pinoy at ibang dayuhan sa naturang bansa. Karamihan sa mga miyembro ay mga domestic workers.

Sinasabi ni Rashvinjeet S Bedi sa isa niyang artikulo sa CNA (Channel News Asia) kamakailan na ang Fara Philippines ay kabilang sa mga grupo ng mga dayuhang manggagawa na tahimik na tumutulong sa kanilang mga kababayang nangangailangan sa Malaysia.

Pana-panahong nagsasagawa ng outreach program ang Fara Philippines de-pende sa nakalaang pondo. Bawat miyembro ng grupo ay nag-aambag mula sa sarili nilang bulsa para sa kanilang mga aktibidad tulad ng pamimigay ng mga pagkain, tubig, prutas at sabon sa mga taong walang bahay o nakatira lang sa labas, kung saan-saan,  mga bangketa o kalsada o  paligid ng palengke.

Kasama rin sa Farah si Criselda Animo, isang mahigit nang 60 anyos na Pili-pinang domestic worker mula sa Mindanao sa Pilipinas na 12 taon nang nagtatrabaho sa Malaysia. May tatlo siyang anak.

Sinabi ni Animo na masaya siyang nakakatulong sa iba. Ilang kilometro ang nilalakaran niya para tumulong sa pamimigay ng mga pagkain at tubig sa mga nangan-gailangan sa Kuala Lumpur kahit napakainit ng panahon.

Karaniwang linggo ang araw ng pahinga sa trabaho ng mga overseas Filipino worker na domestic worker sa Malaysia na kasapi ng Fara pero ginagamit pa rin nila ang araw na ito sa pagkakawanggawa.  Isang halimbawa ang 39 anyos na si Jacquelou Cabello na dating tindero ng gulay sa Batangas sa Pilipinas bago pumunta sa Malaysia noong 2015 para masuportahan ang tatlo niyang anak na edad nang 13 at 21 anyos.

“Mapalad ako na hindi ako natulad sa kanila (patungkol niya sa mga taong tinutulungan ng kanilang grupo) at nakakapagbigay ito ng lakas sa akin. Lalo akong nahihikayat na tulungan sila. Nauunawaan namin ang kanilang paghihirap kaya nais naming maibahagi ang anumang maiaambag namin,” sabi ni Cabello sa Ingles.

Nabatid kay Farah Philippines-Malaysia President Virginia Babie De Vera Wong na nabuo ang kanilang grupo noong 2018 para magbigay ng suportang moral sa mga OFW na napawalay sa kanilang pamilya at tulungan silang makaangkop sa bago nilang kapaligiran.

Ayon pa kay De Vera Wong na isa nang permanenteng residente sa Malaysia, bukod sa pagpapakain sa mga homeless ay dumadalaw din sila sa mga bahay-ampunan at nur-sing homes at nagbibigay silla ng aged caregiving training sa mga nagtatrabaho sa huli.

Nakikipagtulungan din ang Fara Philippines sa ibang non-governmwent organizations para makapagpakaloob ng libreng medical screening sa mga migrante sa Kuala Lumpur.

“Magandang ga-win ito ng mga miyembro dahil isa itong paraan na makatagpo nila ang kanilang mga kababayan habang minumulat ang kaisipan sa mga kagipitang kinakaharap ng ibang tao at maging matiyaga,” sabi ni De Vera Wong.

* * * * * * * * * *

Email – [email protected]