Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang tatlong magkakaibigan na pawang mga Information Technology (IT) na nag-venture sa pagtatanim ng gulay sa kanilang farm na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motivation sa pagtatanim.
Ang aking tinutukoy ay sina Mario Estanislao, Charlo Pelayo at Rino Cunanan na matagal nang magkakaibigan noong sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo na nagsama-sama para gawing luntian ang kanilang farm na San Ignacio Agri & Lettuce Farm na makikita sa Purok 3, Brgy Cabuyew, Nagcarlan Laguna.
Nagsimulang magtanim ng iba’t ibang gulay ang tatlong magkakaibigan noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
Ayon sa kanila, dahil halos wala silang ginagawa noong panahong iyon kaya nai-sipan nila ang pagtatanim ng halaman.
Sinabi ni Mario, nakabili siya ng isang ektaryang lupa sa Nagcarlan Laguna at kalaunan ay nadagdagan pa ito ng 8,000sqm.
Para may mapaglibangan ay nagtanim-tanim sila ng iba’t ibang uri ng gulay at sinubukan ang hydroponics method of farming sa pamamagitan ng pagtatayo ng maliit na green house na gawa sa kawayan.
Pero sinubok sila ng panahon matapos daanan ng bagyo ang kanilang green house at taniman na halos hindi napakinabangan.
Sa halip na sumuko ay lalong naging masidhi ang hangarin para magtanim pa at higit na pinatibay ang kanilang green house na gawa sa bakal at semento.
Mula sa dating isang green house na maliit lamang, ngayon ay dalawang malaking green house na at nakapatibay.
“Ganyang naman ang buhay ‘di ba? Huwag susuko.
Try and try, if you fail you learn, if you succeed you earn,” ani Mario.
Sa ngayon ay kumikita na ang magkakaibigan sa lettuce pa lamang, bukod pa sa mga tanim na dragon fruit, saging, lansones, sitaw, patola, ampalaya, kalabasa at iba pa.
“Farming is a noble calling, God created us to be a fruitful and cultivate. – 2 Timothy 2:6
It is the hard-working farmer who ought to have the first share of the crops,” anila
May grupo na rin ngayon ang magkakaibigan at ito ay ang Nagcarlan Hydroponic Growers.
Powered By : NutriHydro Plant Nutrients.
“Quality is the fabric of the organization: Quality is not just a part of an organization, but rather the fabric of the entire organization. Proud to be part of Nagcarlan Hydroponic Growers,” pahayag pa ni Mario.
Aniya, Here in our farm we only sell quality Produce of Lettuce and green leafy vege-tables”
“You are really blessed if you are a farmer because you are doing the most wonderful job in the world…to grow food for others,” pahayag pa ni Mario
Pawang aktibong IT ang magkakaibigan na may magandang trabaho sa isang kilala at magandang kumpanya.
Kumuha ang magkakaibigan ng farm manager na kanilang pinagkakatiwalaan sa Nagcarlan.
Ngayon ay marami nang regular na costumer ang magkakaibigan, tulad ng mga samgyupsal resturant na kanilang binabagsakan ng fresh lettuce, gulay at iba pa nilang ani o produce.
Sa mga nagnanais mag-avail ng ani ng magkakaibigan na IT ay i-text lamang po ninyo sila 09228628266 o sa kanilang FB page na 3 IT & Lettuce Farm para sa inyong mga order.
May mga estudyante at mahihilig sa pagtatanim ang bumibisita para maglakbay aral sa San Ignacio Agri & Lettuce Farm.
Plano ng magkakaibigan na IT na maging accredited sila ng Farm Tourism ng DOT, DA at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ngayong Linggo, April 13, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Mario sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.