Feeding mission…Barangay 179 Urban Garden


ANG MAGSASAKANG REPORTER — Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

December 16, 2025 | 12:00am

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang luntiang urban garden na gula-yan sa barangay na ang pangunahing layunin ay gamitin sa feeding mission.

Ang aking tinutukoy ay ang Brgy. 179 Urban Garden na pinangangasiwaan ni Brgy. Kagawad Cristina “Tina Guinoo” Sizemore na siyang Chairman ng Committee on Social Service.

Si Tina ang siyang itinalaga ni Brgy. Chairman Marlon P. Palmere na pangunahan ang proyekto sa kanilang nasasakupan dahil “passion” nito ang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas.

Si Tina ay residente ng 667-A Malanting St., Amparo Subd. Caloocan City North Dis-trict 3.

Aniya, layunin nila na makatulong na mabawasan ang araw-araw na gastusin sa pagbili ng gulay ng kanilang mga nasasakupan kaya sila ay nagtanim.

Ayon kay Tina, mala-king tulong sa kanilang nasasakupan ang proyekto ng urban gar-dening dahil marami silang natuturuan na magtanim at nabibigyan pa ng masustansiyang pagkain ang mga kabataan na kulang sa nutrition ang katawan.

Sinabi naman ni Chairman Palmere, katuwang nila homeowners ng subdibisyon sa kanilang lugar para papalaganapin ang programa.

“Bukod sa feeding mission ay ginagamit din namin ang aming mga harvest sa Kadiwa ng Pangulo kung saan ay makakabili ng mura at fresh na gulay ang mga residente sa aming barangay,” sabi ni Palmere.

“We support accessible and affordable food for the community,” pahayag pa ni Palmere

Sinabi naman ni Tina, noong nagsisi-mula pa lamang sila sa pagtatanim ay marami silang pagsubok pero hindi sila sumuko.

“Kapag tag-init po ay hindi gaano malusog ang mga gulay at kapag tag-ulan naman ay kinakain ng mga insekto at fungus ang aming mga tanim, pero hindi kami sumuko,” aniya.

“Tanim kami uli kapag namatayan ng halaman, try and try until na ma-perfect namin. Bumili rin po kami ng pampatay ng insekto at fungus,” pahayag pa ni Tina.

Pinag-aralan din ni Tina ang pagtatanim ng mga season na gulay na kapag tag-init ay iyong heat tolerant na gulay ang itinatanim, kapag tag-ulan ay iyong matatag sa tubig.

Bukod sa mga tanim na gulay ay nagku-cultured din ng kabute o mushroom ang mga opisyal ng Brgy. 179.

May mga guro, estudyante at mga matatanda ang bumibisita sa Brgy 179 Urban Garden para magpaturo rin sa pagtatanim.

Namimigay rin ng pangtanim na saging ang grupo sa mga residente na interesado na magtanim.

Hinihikayat ni Kagawad Tina at Chairman Palmere ang lahat na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain sa kanilang bakuran.

Ngayong Linggo, December 21, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Kagawad Tina at Chairman Palmere sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achie-vers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.